ELEHIYA KAY INAY

ELEHIYA KAY INAY

Kung ang kamataya’y isang panibagong paglalakbay  aking Inay

Sa iyong pagtawid ala-ala nami’y baunin

Pagmamahal mo, pagkalinga,

mga pagtitiis at pagdurusa

Ngayo’y nakatakas ka na

Habang nakamasid ka sa ‘ming iyong naiwan

sa mga ibong nakasama mo,

sa mga talangka at sigay na  naging laruan mo

sa mga along kahabulan mo

at sa malawak na buhanginang naging palaruan mo

Nawa’y naalala mo ang mga ito sa paglisan mo

Mag-isang ninanamnam ang kalinga ng kalikasan

habang isang ala-ala na lamang ang yakap ng iyong ina

sa oyayi ng hangin, ipinaghele ka,

sapagkat ika’y maagang naulila

Lumaking salat sa pagmamahal sa magulang

Tanging kaibigan naging takbuhan

Inulila pa ng kapatid na turan

animo’y isang sadlak sa dusang nilalang

Pagkat ang isang kaibiga’y lumisan

Tuluyan nang humalik sa lupa

ang sarangolang dinagit ng hangin,

Tanging pumpon ng bulaklak

sa malamig na bato ang tangan mo

Nakaukit na ang pangalan mo

Ang naiwan sa ami’y mga ala-ala mo

Nang isang inang kasabay kong nangarap,

lumipad, kumalinga at sumalo sa aba ko.

Sa bawat ngiti ng mga munting anghel na kinalinga mo

isang munting kaluluwang pinanabikan mo

Konting sulyap lamang sana anak ko

Kahit ako’y malamig ng tila  yelo

Ngunit ito’y ipinagkait mo

Ngayon aking ina sa iyong paglalakbay

Baunin mo ang aming pagmamahal

Ihalik sa hangin aming mga pagmamahal

Ibulong sa Diyos na kami’y bantayan

Yakapin ng pagmamahal kahit sa panaginip lang

Nawa sa iyong pagtawid sa kabilang buhay

masilayan mo ang kaginhawahang

di natikman sa palad ko

Categories: Panitikan, Tula | Mga Puna

Post navigation

6 thoughts on “ELEHIYA KAY INAY

  1. WOW NMN!!!

    NEW BLOGGER POH!!
    PA BLOGROLL MO

    • szhayne

      ok walang problema kung kelangan ng tulong sa wika ask ka na lang. kathang tula ko yan para sa aking mahal na ina na namayapa sa sakit na kanser. salamat sa puna.

  2. Tigib sa damdamin ang iyong pahayag……..=))
    ramdam ang pghati na nais pakawalan…

  3. che flores

    gusto ko rin gumawa para sa mama ko, namatay rin sya sa sakit na kanser.

  4. smugglaz

    penge naman po ng maikling tula tungkol sa elehiya

  5. jonga

    ikaw pala mismo ang gumawa?? maganda sya..:D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

baitang7

Just another WordPress.com site

Sesquicentennial Rosario Festival

150th Year of Mary: A Journey of Faith, Life and Culture of Lopezenos

..something for educators

That which you can't speak, rules your life!

Szhayne's Blog

Just another WordPress.com weblog

%d bloggers like this: