Aralin 3.1 Pangatnig

PANGATNIG- ay mga kataga, salita o lipon ng mga salitya at kataga na nagpapahayag ng kaugnayan ng isang salita o kaya’y ng kaugnayan ng isang kaisipan sa kapwa kaisipan.

–          Mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsunud-sunod sa pangungusap.

DALAWANG PANLAHAT NA  URI NG PANGATNIG

  1. Pangatnig na panimbang-  pangatnig na nag-uuganay ng mga magkatimbang na yunit.

1.1  Pangatnig na pamukod – tulad ng o, ni at maging

1.2  Pangatnig na Panulad – tulad ng kung gaano, gayundin, kung paano, kung sino, kung alin, kung saan, siya rin, doon din.

  1. Pangatnig na Pantulong- pangatnig na nag-uugnay ng dalawang sugnay na di magkatimbang.

2.1  Pananhi –ay mga pangatnig tulad ng pagkat, dahil sa, sapagkat, sanhi /ng, palibhasa, yamang at dangan.

2.2  Panlinaw – ay mga pangatnig na ginagamit bilang panlinaw tulad ng anupat, sa tahasang sabi, alalaong baga’y, kaya nga, kung gayon, kaya nga, gayunpaman, sana, at kaya.

2.3  Paninsay – ay mga pangatnig na ginagamit tulad ng  bagaman, kahit, kahiman, kunsabagay, kasakdalang, sukdang, malikas, matangi, ngunit, subalit, datapwa’t, samantala.

2.4   Panubali- ay mga pangatnig tulad ng kung, kundi, kapag, sakaling.

2.5   Panapos -ay mga pangatnig tulad ng at sa wakas, upang, sa di-kawasa, sa bagay na ito, sa lahat ng ito.

2.6  Pamanggit – ang mga pangatnig tulad ng ganang kanila, anang iba, anang ilan.

SAGUTIN MO:

Panuto:  Bilugan ang mga pangatnig na ginamit sa pangungusap. Sabihin  kung anong uri ito ng pangatnig. Isulat ang sagot sa patlang.

____________________ 1. Hindi lahat ng local na produkto ay naipagbibili o nakukunsumo sa mga local na pamilihan. Samakatuwid, ang ilan sa mga kalakal na local ng isang bansa ay ipinagbibili sa ibang bansa.

___________________   2. Anupa’t may sama at buti ring dulot sa ating pamayanan ang paghahati ng Quezon.

____________________ 3. Ang mga namumuno at maging ang mga nasasakupan ay batid at tanggap ang kaganapang  magiging dulot ng paghahati ng Quezon.

___________________  4. Anang iba, di nila maiwawaksi ang naghuhumindig na katutuhanan sa nalalapit na plebisito ng RA 9495 o Ang Paghahati ng Quezon (Quezon Norte at Quezon Sur) sa Nobyembre.

___________________ 5. Sa panayam ng mga mamamahayag sa kongresista, sinabi nitong ipinatawag siya kamakailan ni Comelec Chairman Jose Melo kung saan ang plebisito ay nakatakdang isagawa sa huling sabado sa buwan ng Nobyembre.

___________________ 6.  Bagamat nakahanda  na ang budget na 38 bilyon ditto, marami pa rin sa ating mga kababayan ang hati ang opinion ukol dito.

___________________ 7. Kaya nga hiniling ni Suarez na magpalabas ang pamahalaan ng ng halagang P38-M para sa kinakailangang pondo para sa isasagawang plebisito upang

makapagpasya ang mga mamamayan ng lalawigan kung pabor ba sila o hindi sa binabalak na

paghahati ng Quezon batay sa itinatakda ng RA 9495 (An Act Creating the Province of Quezon del Sur).

___________________8. Ang lalawigan ng Quezon ay may kabuuang sukat na 862,676 hektarya kung saan ito ay  itinuturing na siyang pinakamahabang lalawigan sa buong bansa.

___________________9. Sa kabilang dako, patuloy pa rin na pinag-uusapan ang paghahati ng lalawigan kung saan maging ang iba’t ibang sector ng lipunan ay nahahati ang kanilang mga pananaw kung dapat nga bang magkaroon pa ng Quezon del Sur at Quezon del Norte.
___________________ 10. Masidhi pa rin ang hangarin ng mga nagsusulong na magkaroon ng plebisito kung saan ayon na rin kay Cong. Erin Tanada ay hindi naman iniiwanan ang nasabing usapin at iisa pa rin ang kaniyang tinatayuan ang pagkakaroon ng Quezon del Sur at Quezon del Norte.
___________________ 11. Samantalang yes naman sa paghahati si City Mayor Ramon Talaga jr. dahilan sa paniniwalang ito ang makapagpapadali ng minimithing kaunlaran ng mga taga Quezon.
___________________ 12. Gayunman, inaabangan pa rin ng mga mamamayan kung anong kahihinatnan ng nasabing usapin at nakahanda naman sila sa anumang pagpasyahan.
___________________ 13. Binigyang diin pa ng solon ang kanyang panawagan sa mga local na opisyal ng lalawigan na huwag ilihis sa mga impormasyon ang mga mamamayan upang malaya ang mga itong makapagpasya sa paghahati sa Quezon.
___________________ 14. Dagdag pa nito, na nagbigay ng P50Milyong piso ang Comelec upang gamiting panggastos sa isasagawang plebesito.
___________________ 15. Gayunman, sa usaping ito ay nahahati rin ang mga pananaw ng mga taga Quezon ,mayroong nalulungkot at mayroon namang natutuwa.

____________________16. Mayroon ding nagsasabi na baka isugal lamang ang gagawing pagkakaroon ng Quezon del Sur at del Norte subalit mas magiging aba ang isa sa kanila.

____________________ 17. Ang nasabing paghahati ng lalawigan ay buong igting naman na pinipigilan ng grupong Save Quezon Province Movement na pinangungunahan nina Hobart Dator at Atty. Sonny Pulgar.

____________________ 18. Samantalang pabor naman si Lucena City Mayor Ramon Talaga Jr. dahilan sa malaki ang kaniyang paniniwala na madaling umunlad ang Quezon kung mahahati ito.
____________________ 19. Ang apo naman ni Quezon na si Manuel Roxas 111 ay hindi rin pumapayag na mahati ang Quezon sapagkat aniya’y ang lalawigan ng Aurora at Marinduque ay dating sakop pa rin ng Quezon.

____________________ 20. Bunga nito, dapat rin umanong mag-isip ang lahat kung dapat nga bang mahati ang Quezon o hindi at kung anong naghihintay na kapalaran sa mga Quezonian.

Pagsasanay 2.

Sumulat ng isang sanaysay gamit ang mga datus sa taas. Gawin ito sa journal.

Sav_lnchs/modyulsafilipino1/ikatlongmarkahan/09

Sanggunian: Makabagong Balarilang Filipino Alfonso Santiago

Filipino HS.Com I at  II


1 Puna

One thought on “Aralin 3.1 Pangatnig

  1. wow. i love your bloig.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Lumikha ng libreng website o blog sa WordPress.com.

baitang7

Just another WordPress.com site

Sesquicentennial Rosario Festival

150th Year of Mary: A Journey of Faith, Life and Culture of Lopezenos

..something for educators

That which you can't speak, rules your life!

Szhayne's Blog

Just another WordPress.com weblog

%d bloggers like this: