Aralin 3.2 Pang-angkop

KAALAMANG PANG-WIKA

PANG-ANGKOP – ay ng mga salitang bahagi ng pananalita na ginagamit sa pagdurugtong o pag-uugnay ng mga salitang magkasunod upang magkaroon ng kabuluhan ang gamit nito.

-          Dalawa ang pang-angkop ang  NA, NG. Pinagdurugtung nito ang panuring at ang salitang inilalarawan nito.

  1. 1. Ginagamit ang pang-angkop na NG  kapag ang salitang tinuturinagn ay natatapos sa patinig.

Hal.

Bunsong kapatid                                          Pusong dakila

  1. 2. Ginagamit ang NA kapag sa katinig nagtatapos ang salitang tinuturingan.

Hal.       Mag-aaral na marunong                   Lihim na nabunyag

  1. 3. Kapag sa Na nagtatapos ang salitang tinuturingan, idinurugtong na salita ang G ng pang-angkop na ng.

Hal.       layuning marangal                            pantalong mahaba

PANG-UKOL – Ang kataga o salitang ginagamit sa pangungusap upang matukoy kung saang lunan, o kung anong bagay mula sa tungo, ang kinaroroonan o ang pinangyayarihan ng isang kilos, gawa, ari, layon (Dellague et.al.2000).

-ginagamit upang tukuyin ang tao bagay o pook na pinagmulan, kinaroroonan, pinangyayarihan o pinag-uukulan ng kilos (Santiago.2003)

-  mga salita o mga katagang nagsasaad ng kaugnayan ng pangngalan sa iba pang bahagi ng pangungusap.

Pananda:

Dahil sa                            tungkol sa                  para sa                       sang-ayon kay

Ukol sa                             laban kay                    dahil kay                     para kay

Laban sa                          alinsunod sa              tungkol kina               batay kay

Labag sa                          hinggil sa                   ayon kina                   alinsunod kay

Hinggil sa                         ayon kay                     ayon sa

Hal.

  1. 1. Para sa mga bata ang itinayong Kinder Zoo.
  2. 2. Dinarayo ang lugar dahil sa kakaibang atraksyon.
  3. 3. Labag sa patakaran ng Kinder Zoo ang pagdadala ng pagkain.
  4. A. APLIKASYON
    1. A. Punan ng angkop na pang-ugnay ang patlang. Piliin sa kahon ang sagot.

Huwag isiping 1) ________________________ tukso ay maaari nang magkasala ang tao. Ang tukso ay hindi dahilan 2) ________________ magbigay daan sa isa 3)__________ tao na siya’y gumawa at hinubog sa anyo ng Diyos. 4) ___________ siyang maging matatag 5) _______  harap ng  6) ___________ tukso. 7)_________

Nagawa ito, hindi na masasabi 7) __________ likas sa kanya ang pagkakamali.

Dahil sa          dapat              kapag           nasa         ng                  upang                para sa

  1. B. Bilugan ang mga pang-ukol na ginamit sa pangungusap.
    1. 1. Hindi gumagawa ng mga bagay na labag sa batas ang isang mamamayan.
    2. 2. Ayon kay  Andres Bonifacio, mahalin natin ang bayan gaya ng pagmamahal sa sarili.
    3. 3. Walang hinahangad ang Pangulo kundi ang para sa kinabukasan ng bansa.
    4. 4. Tungkol sa bayan ang dapat na pagtuunan ng pansin sa ngayon.
    5. 5. Humaba ang usap-usapan dahil sa mga taong walang pakundangan sa sarili.
    6. 6. Naglunsad ng bagong proyekto ang tagapangulo ng barangay.
    7. 7. Ayon sa balita, lalong daragsa ang mga turista sa bayan.
    8. 8. Nagkatuwaan sila sa dumating na regalo, para kay Lilia pala ito.
    9. 9. Ang paksa ng palabas ay tungkol sa mga bayani.

10. Ayon sa mga bayani, mahalin at ipagtanggol natin an gating bayan.

  1. C. Basahin at unawain ang talataan. Punan ang patlang ng wastong pang-angkop upang mabuo ang diwa ng mga pangungusap.

Kapuri-puri (1)  ________ samahan ang itinatag sa kanilang pook upang malunasan ang suliranin sa polusyon. Maayos at makabuluhan ang layunin ng samahan ito. Kumikilos at gumagawa lahat.

Nililinis ang marurumi (2) _________ pader at barado (3) _______kanal. Sinisikap ng pangkat na tamnan ang tiwangwang (4) _______ lupa. Nakabubuti sa lahat ang Gawain (5) ______ kapaki-pakinabang

Sanggunian: Makabagong Balarilang Filipino ni Alfonso Santiago

WikiFilipino.com.

Wikipedia.com

Mga Puna

3 thoughts on “Aralin 3.2 Pang-angkop

  1. it’s nice :))

  2. it’s really nice nice :) :D :3

  3. great job!!!!!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com. The Adventure Journal Theme.

baitang7

Just another WordPress.com site

Sesquicentennial Rosario Festival

150th Year of Mary: A Journey of Faith, Life and Culture of Lopezenos

..something for educators

That which you can't speak, rules your life!

Szhayne's Blog

Just another WordPress.com weblog

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: