Modyul 3.4 Modal

Kasanayang Pangwika

MODAL –  ay ginagamit na pantulong sa pandiwang nasa panaganong pawatas. Mga modal ang tawag sa salitang DAPAT, KAILANGAN, at BAKA.

  1. 1. Ang salitang DAPAT ay nagsasaad ng sapilitang pagpapatupad ng Gawain.

Hal.

1.1 Dapat umiral ang katarungan sa isang bansang demokratiko.

1.2 Dapat sumunod ang anak sa payo  ng kanyang magulang.

  1. 2. Ang KAILANGAN ay nagsasaad ng ibig o gusto, isang tiyak na kilos o pagpapahayag  na maaaring magkaroon ng kundisyon o maaaring sapilitan.

Hal.

2.1 Kailangang magsikap kayo sa pag-aaral.

2.2 Kailangang magtulungan ang mag-asawa sa pagtataguyod  sa kanilang mga anak.

  1. 3. Ang BAKA ay nangangahulugang walang katiyakan ang bagay na ipinapahayag.

Hal.

3.1 Baka hindi ka makapagpatuloy ng pag-aaral.

3.2 Baka lumubha ang iyong karamdaman.

PAGSASANAY:Direksyon: Punan  ng DAPAT, KAILANGAN at BAKA  ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

Nasa hustong gulang ka na. _________ Makiisa ka sa iyong kapwa

namay mabuting hangarin sa bayan. _____________ ka ring magpakabuti at umiwas

sa masamang barkada  ____________ ka mabulid sa maraming tuksong

makapagdudulot sa iyo ng kapahamakang maaari mong pagsisihan habang buhay.

____________ kang tumulong sa kaayusan at katahimikan ng iyong paaralan.

LUbhang ________ mong makilahok sa mga proyektong magpapaunlad ng iyong sarili lalo na sa larangan ng pamumuno

Sav_lnchs/modyulsafilipino1/ikatlongmarkahan/09

1 Puna

One thought on “Modyul 3.4 Modal

  1. salamat sa mga details na nilagay niyo sa internet……
    nakakatulong talaga ito sa mga estudyante……….
    salamat………

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.

baitang7

Just another WordPress.com site

Sesquicentennial Rosario Festival

150th Year of Mary: A Journey of Faith, Life and Culture of Lopezenos

..something for educators

That which you can't speak, rules your life!

Szhayne's Blog

Just another WordPress.com weblog

%d bloggers like this: