Wika Kasaysayan at Patunguhan

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Mga nilalaman

* 1 Kahalagahan

* 2 Kasaysayan at teorya

* 3 Mga katangian

* 4 Mga antas

* 5 Mga kagamitan

* 6 Sanggunian

Kahalagahan

Kung wala ang wika, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan, sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan, at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.[1]

PINAGMULAN NG WIKA

Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language – tawag sa wika sa Ingles – nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang “dila”, sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang “wika” – sa malawak nitong kahulugan – ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.[1]

Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. “Wika” ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika.[1] Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika.[2]

Kasaysayan at teorya

Hindi lubos na nalalaman kung saan, kailan, at paano nagsimula ang paggamit ng wika. Subalit mayroong mga hinuha at kuru-kuro ang mga dalubhasang nagsipagaral ng paksang ito. Isa sa mga teoryang ito ang nagsasabing “ginaya ng mga sinaunang tao ang mga tunog na narinig niya sa kalikasan.” Halimbawa ng mga tunog na ito ang mga kahol ng mga asong-gubat o ng mga bumubukal na sapa. Dahil sa iba’t ibang interpretasyon o gawi sa paggaya ng mga “tunog ng kalikasan” na ito kaya nagkaroon ng maraming mga wika sa mundo.[1]

Mga katangian

Ito ang mga karaniwang katangian ng wika: 1) may balangkas 2) binubuo ng makahulugang tunog 3) pinipili at isinasa-ayos 4)arbitraryo 5) nakabatay sa kultura 6) ginagamit 6) kagila-gilagis 7) makapangyarihan 8) may antas 9) may pulitika 10) at ginagamit araw-araw.

Mga anta

Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:

* Kolokyal/pambansa – ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino

* Kolokyalismong karaniwan – ginagamit na salitang may “Taglish”

* Kolokyalismong may talino – ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan

* Lalawiganin/panlalawigan – wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook.

* Pabalbal/balbal (salitang kalye) – pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa.

* Pampanitikan – wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.

Mga kagamitan [baguhin]

Ito ang pitong kagamitan ng wika:

* Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.

* Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.

* Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.

* Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang usapan tungkol sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa pamamagitan ng salitaan ,nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro.

Sanggunian

1. ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 “Languages”. The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. (1977).

2. ↑ “Wika, salita, diyalekto, lingo [Ingles]“. English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang Tagalog-Ingles). (1990).

Kinuha mula sa “http://tl.wikipedia.org/wiki/Wika”

Mag-iwan ng puna

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Sumulat ng Blog sa WordPress.com. The Adventure Journal Theme.

baitang7

Just another WordPress.com site

Sesquicentennial Rosario Festival

150th Year of Mary: A Journey of Faith, Life and Culture of Lopezenos

..something for educators

That which you can't speak, rules your life!

Szhayne's Blog

Just another WordPress.com weblog

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: